S150-M Marcos jewelry collections posibleng’di na isubasta ng PCGG

S150-M Marcos jewelry collections posibleng’di na isubasta ng PCGG
by : Ryan Ponce Pacpaco/Journal Online, Philippines

POSIBLENG hindi na isubasta ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang Marcos jewelry collections na tinatayang nagkakaha-laga ng $10 milyon hang-gang $150 milyon upang lalong makuha ang loob ni dating Unang Ginang Imelda Marcos na puma-sok sa ‘compromise agree-ment’ at tapusin ang halos dalawang dekadang li-tigasyon.
Sa kanyang pagtungo sa Sandiganbayan kamaka-ilan, sinabi ni PCGG Commissioner Ricardo Abcede na ginagawa nila ang lahat para tapusin na ang matagal na legal na bakbakan sa pamilya Marcos na ginastusan na rin ng malaking halaga ng salapi.

Sinimulan na noong na-karaang taon ng Sotheby’s and Christie’s ang “ap-praisal” sa “Marcos je-welry” sa kabila ng isinu-miteng petisyon ni Gng. Marcos sa Manila Regio-nal Trial Court para pigi-lan ang planong pagbe-benta ng mga alahas na nasa vaults ng Central Bank.

Naniniwala si Abcede sa kahalagahan na isama sa negosasyon ang mga alahas upang maisaayos ang usapan kay Atty. Rolando Sison, abogado ni Gng. Marcos upang maka-tipid na rin ang pamaha-laan sa gastos sa legal na bakbakan.

“The jewels are part of the negotiations. They will be among the rest of the Marcos assets that will be considered in our dis-cussions, so yes, there is a possibility that the auction will not happen,” ani Abcede.

Idinagdag ni Abcede ang pahayag na: “That is what the PCGG is asking Atty. Sison to produce, the list of Marcos properties abroad. We want to know everything, to account for every single piece of Marcos asset out there. I just want to bring closure to this matter once and for all.”

Magugunitang mayro-ong tatlong klasipikasyon ang Marcos jewels, kabi-lang dito ang pinakamahal na Roumeliotes Collection na tinatayang kumaka-tawan sa 90 porsiyento ng kabuuang halaga.

Ipinangalan ang pina-kamahal na koleksiyon ng mga alahas kay Demetriou Roumeliotes, isang Greek national at sinasabing kaibigan ni Gng. Marcos na nagtangkang ipuslit pa-labas ng bansa ang jewels noong Marso 1986 kung hindi nadiskubre ng mga opisyal ng Customs sa da-ting Manila International Airport.

People’s Taliba
5/8/2006 20:34 PM

Post Author: Indonesia Jewelry